Sunday, May 11, 2014

Water Under the Bridge

Kadalasay tayo ang bumibilango sa sarili natin. Sa takot na maghirap, sa takot na sumubok ng bago, sa alinlangan ng pagsisimula muli; andaming bagabag na sumasalakay- nanaisin mo na lamang na manatili kung saan ka. Ikakatwiran mo na doon ka masaya at ano nga ba ang problema doon? Maaring wala ngunit wala nga bang maituturing ang ipagkait mo sa sarili mo ang milyong mga posibilidad upang makatuklas ng iba pang bagay. Paano natin masasabing tayo ay kuntento na sa isang bagay? Dahil lamang ba sa ating palagay? Hindi ba't mas tama yatang meron tayong mga basehan o di kaya ay maipaghahambingan upang masabi nating ang ating napili ay higit nga kaysa doon sa iba. 

Liningon ko ang aking nakaraan at nakita kong maari kong sabihin na ako ay malaya na. Nasubukan ko ang ilang mga bagay bagay at hindi ako nagpakulong sa dikta ng aking kursong natapos at sa kung ano pa mang conventions na itinakda ng lipunan. Ako naman ay masaya

No comments:

Post a Comment